Linggo, Agosto 26, 2012

Simple Girl: Ang Aking Kwentong-Buhay Estudyante

Simple Girl: Ang Aking Kwentong-Buhay Estudyante: Ito ako. :) Ako si Marichu Rebanal Penuliar, iyan ang pangalang ibinigay sa akin ng aking mga magulang ngunit ako ay ...

Martes, Agosto 21, 2012

Ang Aking Kwentong-Buhay Estudyante



Ito ako. :)
Ako si Marichu Rebanal Penuliar, iyan ang pangalang ibinigay sa akin ng aking mga magulang ngunit ako ay tinatawag ng aking mga kaibigan na Machui, Chui, Chai, at March depende na lamang siguro iyon kung ano ang unang lumabas sa kanilang mga labi. Ako ay isang simpleng tao lamang na maraming mga pangarap na nais matupad. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos sa kursong Bs Chemistry at nagsusumikap na makaraos ganuman ito kahirap.

Ang Aking Makulay na Buhay Estudyante

 Taong 2001, una akong nakatuntong sa Paaralan ng Elementarya ng Banlic bilang isang mag-aaral ng kindergarten sa ilalim ng pamamahala ni Bb. Jenny Ilagan, ang aking unang guro. Mabilis na lumipas ang bawat sandali, nakapagtapos na ako ng elementarya at sekondarya at ngayon ay isa nang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos, Laguna. Napakaraming karanasan ang aking naranasan sa pagiging estudyante at ang mga ito ay hindi ko kailanman maaaring makalimutan dahil ito ang mga dahilan kung bakit naging makulay ang aking buhay estudyante at naging parte na rin ito sa paghubog ng aking buong pagkatao. Bilang isang estudyante ay masasabi kong napakasaya talagang maging bata dahil maraming mga maaaring gawin ang mga bata na hindi na o mas mabuting sabihin na nakakahiya nang gawin ng isang matanda. Bilang isang estudyante naranasan ko ng mapagalitan, mapalo ng patpat sa kamay, mapatayo dahil sa pag-iingay, at mapaglinis . Naranasan ko na ring maglaro ng habulan, patintero, ang walang kamatayang Chinese garter at jackstone, at higit sa lahat ang bente-uno(pinagsamang taguan at habulan) at maraming pang iba. Siyempre hindi naman laging laro ang aking inaatupag noong ako ay nasa elementarya may mga seryosong gawain din akong pinagkakaabalahan.

Ito ay field trip namin sa Kawit, Cavite. Anlayo ko sa kanila eh. May sarili akong mundo. hahaha
     Taong 2008, nang ako ay unang makatuntong sa bagong paaralan na aking papasukan at ito ay ang Calamba Institute. Dito ay ginugol ko ang aking buong apat na taon sa sekondarya kung saan ay napakaraming mga karanasan na hindi matatawaran ang aking naranasan, ang mga paligsahan na aking sinalihan bagamat may mga oras na natatalo ay mayroon din naming panahon na ako ay nananalo at ang lakbay-aral na aking sinalihan na sadyang mga hindi makakalimutan lalo na ang huling lakbay-aral na aking sinamahan. Ang aking unang taon dito ay naging isang matahimik at walang kakaibang mga pangyayari ngunit pagsapit ko sa pangatlong taon ay doon ko napatunayan na masaya pala talaga ang buhay sa hayskul lalo na kung mayroon kang mga kasama. Nahirapan akong makahanap ng mga kaibigan o yaong mga kaibigan na tulad ng aking mga kaibigan sa elementarya. Nakatagpo lamang ako ng mga kaibigan bago matapos ang ikatlong taon ko sa sekondarya at ito ay sina Clarisa Mae Roa, Ma. Theresa V. Rodil, Denica Lapitan at Jaycel Ann Pamplona, at kami ay tinawag na “flower BHOUBZ” ngunit mas kilala kami sa bansag na Bhoubz. Nabuo ang aming pagkakaibigan sa isang proyekto namin sa Araling Panlipunan III kung saan gumawa kami ng isang replika ng “Chichenitza” at mula sa pangalang ito ay binansagan kami ng aming guro sa nasabing asignatura bilang “Chichenitza Girls” ngunit dahil sa masyadong mahaba at mukhang makaluma ay nag-isip kami ng maaaring ipalit dito hanggang sa mauwi kami sa flower Bhoubz at ang tawagan na rin namin ay bhoubz (hindi bat mas kakaiba). 
Kami ang "BHOUBZ"

Si Jaycel, Theresa, Ako, Clarisa at si Denica., and together we're FLOWER BHOUBZ. Kahit saan basta maganda picture lang... hahaha..
Habang hindi pa naalis ang aming bus...PICTURE PICTURE muna!! hahaha..
"Before"
"AFTER" hahaha...ang nakakamiss na moment noong last day ng high school!!!
Jumpshot ba? Oh Eto!!!...hahaha..
  
 Napakarami naming pinagdaanan lalo na sa usaping pag-ibig kung saan muntik ng masayang ang aming pinagsamahan, buti na lamang ay handa ang lahat na magpatawad kaya heto kami ngayon kahit magkakalayo ay magkakasundo pa rin.  Isa sa mga hinding hindi ko malilimutan sa buhay third year ko ay ang aking guro na si G. Ronaldo Lopez (kilala sa tawag na tatay Ron). Si Sir Lopez ang pinakamalapit na guro sa aming lahat dahil na rin sa mabait ito at parang mga anak talaga ang turing sa amin. Isa sa mga paborito kong guro sa aking pangatlong taong sa hayskul ay si Gng. Dolores Saquito na siyang aming guro sa Chemistry.
Ang Citronella na naging Pterocarpus kasama si Tatay Ron(ang nag-iisang nakapula..:) ). Tamang class picture matapos ang symposium..hahaha





    Sa taon ring ito ginanap ang JSProm sa amin, masaya siya at yaon na lamang ang maaari kong masabi. 
Syempre kami toh! ang Bhoubz!


   
.Tagal magstart eh kaya picture muna! :)
  Napakaraming mga hindi makalilimutan na pangyayari sa aking buhay estudyante ang nangyari sa pangatlong taon ko sa hayskul at ang lahat ng iyon ay magsisilbing mga alaala sa mga kalokohan na aming pinagsamahan ng aking mga kaibigan. Pagsapit namin sa huling taon sa Calamba Institute ay parang takot na ang lahat sa amin hindi lamang dahil sa nalalapit naming pagtatapos kundi dahil sa mga guro at pati na rin sa UPCAT na aming haharapin.  Ang buong akala ng lahat ay magiging mahirap ang huling taon namin, oo nga at mahirap pero naging masaya pa rin dahil sa aming guro na si G. Carmelo Placino (tinatawag rin naming Sir Melo).
Class picture namin! kasama si Sir Melo!..:)
  Bukod kay Sir Melo ay pinatingkad rin ni Bb. Perla I. Almendrala ang aming huling taon sa sekondarya dahil sa kanyang pagtuturo sa amin ng Filipino IV at ng El Filibusterismo na bagamat nakakaantok na mga asignatura, kailanman ay hindi ko nakuhang makatulog dahil tiyak na mapapahiya ka oras na matawag mo ang pansin niya. Naging masaya ang aming talakayan kasama si Maam A lalo na sa El Filibusterismo sa parte ng may ligawan at komedya roon sapagkat makikita mo sa kanya na siya ay kinikilig at labis na natutuwa, ngunit tuwing may pagsusulit ay sunugan talaga ang lahat ng kilay dahil dapat ang lahat ay alam mo, dapat ang lahat ay intindihin kung hindi malamang sa malamang babagsak ka. Ang isa pa sa mga gurong aming kinagiliwan ay ang aming guro sa Araling Panlipunan lalo na noong ipinasulat niya sa amin ang SONA ni Pnoy at ang mga balitaan namin bago magsimula ang aming talakayan. Naging bahagi rin ng aking buhay estudyante sina Bb. Alicia Parapara at si G. Bayani Paner.
Ako, si Eunice, si Sir Paner, Reggien at si Mrs. Umandal
Ptero girls with Ms. Parapara...:) AHM, girls nasaan talaga ung camera..hahaha!! :)
  Naging bahagi rin ng aking makulay na buhay hayskul ang aming mga guro sa MAPEH na sina Gng. Joyce Anne Marace at si Gng. Cherry Pagaspas na ginawa ang lahat upang maging masaya at hindi nakakaantok ang aming mga talakayan sa MAPEH IV. Sa aking huling taon ay nadagdagan pa ang aking mga kaibigan, nagkaroon ako ng isang pamilya dito. Naging malapit ako kay Sarena Rebekah Jane Yu na aking tinatawag na “iloy” o kaya naman ay “tinapakang ina(stepmother ko kasi siya )”, kay Orlando Tapia na aking tinatawag na “baba(dahil siya ang aking ama/ina)”, kay Angelica Casin na aking tinatawag na “tinapakang anak(siya ang aking nag-iisang stepdaughter)”, kay Mark Jarrell Gonzales na aking tinatawag na “khabet( may H talaga siya dapat)”, kay Angelica Mae Regalado, Rica Thea Ladaga at marami pang iba.
Ako, si Kathreen at si Marinel..

Kami ang PTEROCARPUS..YES I AM A..PTERO!!!


Ako, si Rochelle, Leonard, Ranzelle at si Eunice...ayeah!! :)
Ako at ang aking pinakmamahal na tinapakang anak(my beloved stepdaughter! :) ) Angelica Casin.
.Sila ang iba ko pang mga kaibigan!.. :)

Ang lakbay–aral din sa taong ito ang pinakahindi ko malilimutan dahil sa kakaibang karanasan. Napakasaya ng lakbay-aral na iyon kahit na kailangan talaga naming makinig sa nagsasalita dahil may mga takdang-aralin kaming kinakailangan sagutan ayon sa mga lugar na aming pupuntahan. Hindi ko iyon makakalimutan dahil iyon ang unang beses na nakapasok ako sa Manila Film Center, CCP Complex sa may Pasay City saka siyempre sa iba rin naming mga pinuntahan na talaga namang maaaring maipagmalaki ng ating bansa. Pero dahil nasa huling taon na kami, hinding hindi na namin maiiwasan ang aming pagtatapos na naganap noong ika-22 ng Marso,2012 at ang pagkakanya kanya namin sa mga landas na aming mga tatahakin. Ngunit kahit kami ay mga nagsitapos na, kailanman ay hindi matatapos ang mga pagkakaibigan na nabuo sa amin sa apat na taon naming nagkasama sa aming mahal na paaralan na Calamba Institute.
The Graduation Day1(mula sa kaliwa) Ang aking baba na si Orlando, Grenald, Rochelle, Theresa, Andrew, Angelica Regalado at Ako.
.hahaha!!! una masaya pero nung uwian na, luhaan na!..
.picture lang habang ayos pa ang mga itsura! lol!..hahaha..
At, kailanman ay hinding hindi namin kakalimutan ang mga masasaya, malulungkot at pati na rin nakakatakot na mga karanasan na aming pinagsaluhan sa apat na taon na aming ipinamalagi sa Calamba Institute, ang lahat ng mga iyon ay magsisilbing mga aral at masasayang alaala para sa bawat isa sa amin.
.Ang aking mga bagong kaibigan sa UPLB...
       Ngayon ako ay isang nang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos na aking pinapangarap. Bagamat nais ko ang kursong aking kinuha mayroon pa rin akong mga nais na gawin. Nais kong maging isang magtatanghal sa teatro, maging isang magaling na chef at photographer. Upang matupad ko ang lahat ng mga ito, ipinangako ko sa aking sarili na aking pagsusumikapan ang aking pag-aaral dito sa UPLB, ganuman ito kahirap ay aking kakayanin.
  Muli, ako si Marichu Rebanal Penuliar at ito ang aking Kwentong-buhay Estudyante.